Bilang isang Money Platform, ang i-Account ay nagbibigay ng digital banking services sa mga kliyente sa iba’t-ibang panig ng mundo. Sa kasalukuyan, ang i-Account ay may mga miyembro sa mahigit 103 na mga bansa, at nag-ooffer ng transfers, exchange, settlement, at card services sa 22 currencies.
Sa paglalayong magbigay ng isang maginhawang serbisyo sa mga kliyente sa buong mundo, ang i-Account ay nakikipag-ugnayan sa mga bangko, money transfer agents, telecommunications companies, mobile money providers, at settlement vendors sa buong mundo, para magbigay ng iba’t-ibang pamamaraan ng inward and outward money transfer sa mga kliyente.